May Pag - asa Pa Ba Ako At Tayo ?

in voilk •  3 months ago

    Magandang hapon po sa lahat. Sana ay nasa mabuting kalagayan kasama ang panalangin at biyaya Ng Diyos.

    received_961486442204403.jpeg

    Ang masasabi ko lang, pag Ang isang tao at wala pang kaalaman na mali ang ginawa niya ay may posibilidad na mapatawad tayo ng Diyos sa mga kasalanang nagawa. Ngunit pag inuulit natin ginawa Ang isang mali o kasalanan ay baka Hindi na Tayo mapapatawad kahit may pangako Siya na tayo ay mapapatawad palagi.

    Tulad sa ganitong sitwasyon, base sa karanasan ko. Ang Ina ko ay Hindi nagkulang sa paalala sa lahat na bagay ngunit Ako ay nagkasala dahil nakipagtalik Ako sa babae na Wala pa kaming kasal. Dapat igalang natin ang mga babae at hindi yan ibibigay sa iyo sarili niya kung Hindi mo tinutukso. Alam natin na ang pagniniig sa Isang babae na walang kasal ay isang uri Ng kasalanan ngunit ginagawa na yan ngayon na parang normal.

    Noon Hindi ko alam, kasalanan ba ganyan at nangyari na nabuntis ko ang babae na dipa kami kasal. Hindi at wala pa sa plano ko ang mag -asawa ngunit nangyari ang di inaasahan. Noong nalaman ng Ina ko Ang lahat, iisa Ang desisyon niya na ipakasal kami para mapatawad kami sa maling ginawa. Sabi Ng Ina ko na kailangan na ikasal kami bago Silang ang bata ay ito ay para mapatawad kami sa maling ginawa at nagbunga pa.

    Ang ibang membro Ng kamag -anak ay ayaw muna nila na magpakasal Ako at susuportahan nalang ang Bata ngunit Ang Ina ko Ang nag desisyon. Ang paniniwala niya na kami ay mapatawad kung kami ay magpakasal kaysa gagawin naming pagkasala buong buhay kasama pa ang anak. Sabi Ng Ina ko, dahil matagal na patay ama ko, Ang pagkakasala ay mapapatawad Tayo Ng Diyos kung itama natin ang Mali,at hwag na ulitin multi.

    Totoo Ang Diyos ay nagpapatawad ngunit inaabuso natin, uulitin natin ang kasalanan dahil Tayo ay pinatawad palagi. Mali Yan, hwag natin abusohin Ang binigay na pagkakataon Ng Diyos na itama ang ating mga kamalian. May pag asa tayong mapatawad basta bukal sa loob at hindi paulit-ulit na ginagawa Ang isang Mali.

    Huwag po natin subukan Ang kakayahan Ng Diyos para Tayo ay parusahan sa ulit ulit na pagkakamali. Nagtatanong tayo bakit sinusubokan tayo? Hindi ba natin naisip na Tayo ay paulit ulit gumawa Ng kamalian? Kaya iyan ang sanhi sinusubokan tayo para matauhan hwag gumawa Ng kamalian na paulit- ulit.

    Maraming salamat sa pagpapatawad Ng Diyos sa aking mga kasalanan at hinihikayat ko Ang Sarili na maging matatag at iwasan ang pagkakamali. Tao lang Tayo Yan Ang laging rason natin pero kailangan din natin na isipin lahat Ng limitasyon. Salamat Bro. Eli sa paliwanag at Kay @hiro sa topic natin ngayong linggo.

    received_315669074436506.jpeg
    My life, my forever joy.

    To God To be Glory!

    Hive To The Moon!

    This is me,
    @cdaveboyles23, a father of two beautiful daughters, living in Panabo City of North Davao,Philippines

      Authors get paid when people like you upvote their post.
      If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE VOILK!