Ang Mundo ng AI

in voilk •  last month

    Sa panahong ito, trending ang usapang AI, lalo na nang lumitaw ang mga AI tools tulad ng Chat GPT at mga AI image and Video Creator.

    image.png
    Image Created Using Bing Image Creator

    image.png
    Image Created Using Bing Image Creator

    Pero alam n'yo ba na hindi lang naman diyan sikat ang AI, marami nang bagay at gamit ang may AI simula nang na-imbento ito, maaaring hindi lang natin alam pero baka nakagamit na rin tayo nito o nagamit na rin ito sa atin.

    May mga gumagana nang AI sa iba't ibang aspeto ng buhay natin tulad ng Medical, Transportation, Marketing at iba pa.

    Kung nag-dra-drive ka at gumagamit ka ng Waze ay nakagamit ka na rin ng AI, kaya nga minsan nireredirect tayo ng app kapag traffic o may aksidente sa daan.

    Ang mga online shopping app gaya ng Lazada ay gumagamit din ng mga ganyan, ginagather nila ang data mo at doon ay nag-aactivate ang AI kung ano ang mga produkto na pwedeng isagot sa iyo.

    Uso na rin ang mga chatbots ngayon sa customer service kung saan machine na ang kausap mo at bibigyan ka niya ng sagot base sa tanong mo at data na alam niya sa iyo.


    image.png
    Image Created Using Bing Image Creator

    Ilan lang ito sa mga AI na maaaring hindi mo alam na AI dahil ang naiisip mong AI ay yung mga tulad ng Chat GPT at Image creator.

    Maraming ayaw sa AI, masyado na daw marami ang ginagamitan nito at isa sa mga pangunahing rason kung bakit ayaw nila nito ay dahil kinukuha nito ang trabaho na sana ay para sa tao, ibig sabihin kapag mas dumami ang mga bagay na ginagamitan ng AI tulad ng ilang makina na ginagamit sa manufacturing, maraming tao ang mawawalan ng trabaho.

    Kung lahat ng kumpanya ay gagamit ng chatbot para sa customer service nila, ilang tele-agent din ang mawawalan ng trabaho?


    Dahil sa mga AI na yan tulad ng Chat GPT, ilang copywriters na rin ang nahihirapan nang makakuha ng raket. Dagdag mo pa ang mga image creator na gaya ng DALLE na gumagawa ng magagandang image na nagbabawas ng pangangailangan para sa isang Graphic Artist na gaya ko.

    Dahil kahit hindi naman writer or artist basta alam ang prompt na gagamitin ay makakalikha sila ng magagandang write-up at graphics.

    Ang isa pang rason bakit ayaw ng tao sa AI lalo na sa mga tulad ng Chat GPT ay maaaring gumawa ang tao ng ganito at gamitin lang sa kasamaan.

    Ang mga ganitong AI ay kaya ng gumawa ng mga codes o program na maaaring gamitin sa pang-scam, pati ordinaryong tao basta may idea siya kung paano ito gamitin ay maaari niya itong magamit sa pandaraya.

    Kaya nga karamihan ng platform dito sa Hive ay pinagbabawal ang AI kung mapapansin n'yo, kasi mag-ta-type ka lang ng magandang prompt at lilikha na ang AI ng isang magandang content para sa iyo.


    image.png
    Image Created Using Bing Image Creator

    Ginagawa nitong tamad ang mga tao, dahil sa AI ay hindi mo na halos kailangan pag-aralan ang ibang mga bagay, ibibigay na sa iyo ng AI ng detalyado ang mga steps kung meron kang gustong gawin.

    Ang huling alam ko na rason kung bakit ayaw ng marami sa AI ay dahil wala itong Emosyon, wala itong empathy sa tao kaya may mga pagkakataon na mali ang sagot nito sa ilang mga tanong na may kinalaman sa emosyon ng tao.


    Konklusyon:

    Para sa akin, maganda ang AI, tingin ko naman ay maganda rin ang intensyon ng nagpasimula ng ideya nito. Ang masama ay ang mga tao na ginagamit ito para makapandaya, makapanlinlang at makapang-gulang.

    Para din itong baril at pera, magiging masama lang ito depende sa gumagamit at kung aabusuhin ang pag gamit.

      Authors get paid when people like you upvote their post.
      If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE VOILK!