Pagkakataong Gumawa ng Mabuti, Tama Bang Ipagpaliban? MCGI Review

in voilk •  2 months ago

    IMG_20240429_035858.jpg

    Isang mapagpalang araw sa ating lahat mga anak at tagasunod ng Diyos, panibagong paksa na naman ang aking itatalakay at tungkol ito sa mg kahalagahang pagtulong sa ating kapwa at tanung kong tama bang ipagpaliban ang paggawa ng mabuti sa iba? Isa ito sa mga mahahalagang tanong kong tama bang ipagpaliban ito, alam naman nating lahat na ang pagtulong sa ibang tao ay nagpapakita ng pagmamahalan at pagkakaisa bilang anak ng Diyos. Iisang Pamilya tayo dito sa Mundong ibabaw kaya nararapat lang talaga na magtulungan at magmahalan. Ang paggawa ng mabuti sa iba ay isang uri ng akto kong saan nahahalintulad sa isang Magsasaka na nagtatanim ng maraming palay para maraming aanihin at makukuha. Sa videong ito, atong makikita ang kahalagahan ng paggawa ng mabuti sa ating kapwa gaya ng pagbibigay ng tulong sa ibang tao:

    Ano Ba ang Koneksyon Nito?

    Ang paggawa ng mabuti ay nanahalintulad sa mga palay na itinanim, kapag nakagawa ka ng mabuti sa nakararami, may marami kang makukuha gaya ng pagmamahal, panalangin at gantimpala hindi lang sa tao kundi sa Diyos. Makakakaani ka ng magagandang resulta at makakuha ng masaganang biyaya mula sa Panginoon. Kapag umaapaw ang ating biyaya at sa tingin natin na subra na sa ating pangangailangan, itulong natin sa iba, magbigay ng kasiyahan at kaligayahan sa ibang tao na nangangailangan ng tulong kahit gaanopa ito ka simple, basta taus-puso nating ibigay o itulong sa iba. Hindi nasusukat sa Presyo o ganda ng mga bagay na itinulong natin sa ibang tao kundi nasusukat ito sa Puso ng taong nagbibigay sa kapwa.

    IMG_20240429_035833.jpg

    Source

    Kahalagahan ng Agarang pagtugon na gumawa ng Mabuti:

    Ang paggawa ng mabuti ay nandyan palagi, malaya tayong makakagawa nito depende sa ating makakaya o di kaya ay sa mga taong nangangailangan ng tulong. May mga tao na lubos nangangailangan ng tulong sa ibat-ibang panig ng lugar lalo na ang mga mahihirap. Ang pagtulong sa kanila ay nararapat at hindi ipagpaliban. Kapag may pagkakataon tayo na gumawa ng mabuti gaya ng pagtulong, dapat hindi ito ipagpaliban dahil may mga tentasyon na palaging nakasunod sa atin dito sa mundo.

    IMG_20240429_035820.jpg

    Source

    Kahalagahan ng pagtugon sa Pangangailangan ng iba at ang Posibleng epekto nito sa ating sariling kalooban:

    Ang agarang pagtugon sa Pangangailangan ng iba ay nakapagbibigay sa kanila ng kaligyahan at kasiyahan sa kanilang sarili. Ang mga taong gumagawa ng mabuti ay talagang nasa panig ng Diyos dahil sa mga kagandahang loob na ibinigay natin sa ibang tao gaya ng pagtulong sa kapwa at gumawa ng mabuti sa iba. Nakakataba ng puso kapag nakikita natin ang ibang tao na masaya dahil sa mga mabubuting gawa natin sa kanila gaya ng pagtulong. Maging masaya din ang Panginoon sa mga mabubuting gawa natin sa ibang tao. Ito ang iilan sa mga maging epekto sa ating sariling kalooban;

    • Pagiging Masaya
    • Kalulugdan ng Diyos
    • Magkaroon ng maraming Biyaya mula sa Panginoon
    • Makakatanggap ng Panalangin mula sa ibang tao.

    Ito ang magagandang epekto na makukuha natin mula sa paggawa ng mabuti sa kapwa. Kong sa tingin ay kaya nating gumawa ng mabuti, mas mabuti na hwag ipagpaliban at samntalahin ang magandanv pagkakataon habang tayo ay nabubuhay pa dito sa Mundo. Tulong at paggawa ng mabuti na taos-puso at hindi naghangad ng kapalit, dahil alam na ng Diyos ang gantimpala na ibibigay niya sa ating lahat.

    IMG_20240429_035924.jpg

    Source

    IMG_20240429_035912.jpg

    Source

    Konsepto ng 'Inaction as A Sin' ayon sa Banal n Kasulatan:

    Ang pagpaliban ng paggawa ng mabuti ay hindi dapat ginagawa, dahil may mga tenstasyon na gawa ng masama na palaging nakasunod sa ating lahat dito sa Mundo. Ang Mundo ay punong-puno ng masasamang tao, mga masasamang gawain, masasamang bagay na pagmamah-ari ng dyablo. Ang taong may pananalig sa Diyos ay yun ang palaging sinusundan ng Masama para siya ay linlangin na ipagpaliban ang paggawa ng mabuti, hanggang sa hindi na ito makagawa ng mabuti sa kapwa dahil sa pagud na siya at nag-iba ang isip. Ayon nga sa nakasulat sa Bibliya;

    Efeso 5:16

    Na inyong samantalahin ang Panahon,sapagkat ang mga araw ay masasama.

    Napakalinaw ang naksaad sa Bibliya na ang Masama ay palaging nakabuntot sa ating lahat at ang pinupunterya nito ay ang mga taong May matinding pananalig Sa Diyos, at ang mga taong May mahihinang loob at mahinang paniniwala sa Panginoon.

    Kaya tayong lahat na may kakayahang gumawa ng mabuti, gawin agad dahil isa ito sa mga pagpapatunay na tayo ay nagmamahalan at nagtulungan bilang mga anak ng Diyos. Maraming salamat sa pagbisita at pagbasa ng aking post. Ang Panginoon ay sumsainyong lahat.

      Authors get paid when people like you upvote their post.
      If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE VOILK!