https://peakd.com/hive-188409/@joreneagustin/prologue-echoes-of-yesterdays-dream
https://peakd.com/hive-188409/@joreneagustin/echoes-of-yesterdays-dream-or-chapter-1-transferee
https://peakd.com/hive-188409/@joreneagustin/echoes-of-yesterdays-dream-or-chapter-2-cousin
CHAPTER 3 | HURT
Vladimir’s POV
What’s this news na nagtransfer si Park Ji Hu dito sa Visa Rios International School? Park, Martin and Vallejo had past issues. But now, I don't think I can face him.
It's too embarassing!
At ano na namang kalokohan ang ginawa ni Aquil? He didn’t control his anger again? Hindi ba siya nahihiya?
Dahil sa balitang iyon, dali dali kaming nagtungo sa SHS building. Pagkarating namin doon ay maraming babae na naman ang nagtitilian at sinisigaw ang pangalan naming tatlo. Ako, si Roexly at si Denmar.
Wala kaming nagawa kundi ang ngumiti ng pilit sa mga juniors namin. Men, we are already in college and being hot headed isn’t cool anymore.
Pagkarating namin sa 3rd floor, sa room nila Aquil, wala ata silang teacher. Napatingin ako kay Aquil na hindi man lang tumayo, napatingin din ako kay Jihu na madilim ang tingin sa amin.
Relax men,
Kinatok ko ang bukas na pinto nila
“Where’s the President?” I asked, since I do respect to people, I need entrance permission.
“Si Eurich po kuya.” sabi noong babaeng nakaupo dito sa likod.
“Who is Eurich?” tanong ko at itinuro naman nila ang babaeng padabog na umupo sa upuan niya.
Isang student ang kumalabit sa kanya at itinuro ako… ngumiti naman ako.
“Bakit kuya?” naiinis na tanong niya
“Can I have the permission to enter?”
“Bakit po?”
“I just need to get something.”
“Sige, huwag lang kayong manggulo.” sabi nito at kinarga na niya ang notebook sa bag niya.
I walk immediately to Jihu’s seat. He stood up and faced me, we exchanged stares and I saw how his brows furrowed, I also saw how he grit his teeth.
I know, he is angry.
I looked at the direction where Aquil is sitting. He sighed and smirked at me.
Men, you're wrong.
_
Eurich Park’s POV
Napatingin ako sa labas pagkatapos magpaalam si Vladimir. Nakita kong naka cross arms at nakangisi si Denmar habang nakatingin kay Vlad. Galit naman ang tingin na iginawad ni Roexly kay Aquil.
Pero sa kalagitnaan ng pagtitig…
“Hallaa, anong nangyayari?”
“Akala ko ba walang mangugulo?”
“Omg, tumayo na si Jihu!”
“Sapakin mo!”
Narinig kong bulungan kaya napatingin agad ako sa direction ni Jihu, seryoso at galit na galit ang mukha niya. Nakakuyom ang dalawang kamay niya at handang sumuntok kung kinakailngan. Seryoso si Vladimir na nakatingin lamang kay Jihu.
Akala ko susuntukin niya, pero napatingin siya kay Aquil. Nakangisi itong si Aquil. Nilagpasan ni Vladimir si Jihu at agad na pumunta sa harap ni Aquil at ang nakakagulat ay hinampas ni Vladimir ang arm chair ni Aquil! Natigil si Aquil dahil hindi niya iyon inaasahan.
Ayos naman sila noong isang araw ah? Dumating lang si Jihu ay may ganito ng eksena?
‘Anong meron sa kanila?’
Hinawakan ni Vlad ang kwelyo ni Aquil at hinila siya palabas.
Habang ako, nakanganga! Ano bang meron?
Matalim kong tinitigan si Jihu na alam kong kanina pa kumukulo ang dugo. Pero kailangan kong malaman kung anong meron.
Hindi na ako nag isip pa at agad na nagtungo sa harapan niya. Sa hindi malaman na dahilan hinampas ko ang arm chair niya gaya ng ginawa ni Vladimir kay Aquil pero huli na noong narealize kong…
Matigas nga pala yung armchair!
“Sesanghe!” mahinang reklamo ko at napahawak sa kamay kong namumula!
Nagtawanan ang mga kaklase ko dahil nakita nila ang ginawa ko, mas lalo akong nainis!
Nakangising nag angat ng tingin si Jihu at mukhang tuwang tuwa dahil nasaktan ako!
“Mwonde?!” (What was it?) tanong ko patungkol sa issue niya kila Aquil.
“None of your business…” malamig na sagot niya na mas lalong ikinainis ko.
“Neun jinja micheo-sseo!?” (are you really crazy?) malakas na sigaw ko sa kanya.
“Wae?” he chuckled a bit and looked straight to my face “Wae? If I'll tell you, maniniwala ka ba?” kumunot ang noo ko sa sagot niya. “Meron ka ba non? Wala diba?” he calmly sighed and looked outside. “Naga..” He almost whispered. (Get out...)
“Sesanghe!” I fired him and walked towards my seat. Nagpapadyak ako sa inis at napasabunot ako sa aking buhok.
“Oi pars. May alam ka ba sa isyu nila?” inilapit ulit ni Billy ang upuan niya naghihintay ng sagot.
“Mukha bang meron?” inis kong sagot sa kanya
“Eh malay ko, nag uusap kayo ng intsik na salita kanina, baka sinabi niya?”
“Ha!” napasinghal ako sa tanong niya “Anong intsik ang sinasabi mo jan, Haguel yun! Korean.” natatawang sigaw ko sa kanya. Nawala konti yung frustration na naramdaman ko kanina.
“Pero ang cool ni Jihu ah?” namamanghang bulong ni Billy kaya inis ko itong inirapan.
I don't think Jihu is cool. He is hot… hot headed!
“Mas cool ka kaya par.” natatawang sagot ko kaya ngumisi ito ng pagkalakilaki!
“Talaga par? Naku kakantahan na talaga kita! HAHAHA.”
“Sige nga… inaantok na ako eh.”
Heto ako ngayon, nag-iisa
Naglalakbay sa gitna ng dilim
Lagi na lang akong nadarapa
Ngunit heto, bumabangon pa rin…
Inis akong napaangat ng tingin kay Billy dahil sa lakas ng kanta niya, at kung bakit Aegis song pa ang napili niya, sabi ko inaantok ako eh! Nagigising ako sa tinis ng boses niyan.
“Par naman eh! Hindi naman yan pampatulog.”
“Ah hehe ganon ba?” napakamot siya sa batok niya at umastang nag iisip.
“What a responsible class president.” sarkastikong sabi ni Aquil na kararating lang.
Hindi ko napigilan ang sarili kong napatayo at hinarangan siya. Pero halos mapapikit ako noong makitang nakatingin sa akin si Denmar.
Naka poker face lang siyang naka tingin sa akin? Heto na naman tayo oh… sa akin ba siya naka tingin? O baka kay Kryzza, sa kapatid niya? Tinignan ko si Kryzza pero kay Jihu naman siya nakatingin at wala namang tao sa likod ko.
Bumalik ang tingin ko kay Denmar at…
Ngumiti siya!
Nailagay ko ang kaliwang kamay ko sa aking pisngi at tinapik tapik ko ang umiinit na pisngi ko. Unti unting nag angat ang gilid ng aking labi at ngumiti sa kanya…
(•‿•)
Pero kapag masaya ka, hindi rin pala magtatagal…
“Tumabi ka nga!” galit na galit si Aquil kaya napalakas ang pagkatabig niya sa akin. Dahilan para pabagsak akong mapaupo ako sa lap ni Billy! Magkatapat lang kasi yung upuan namin at daanan na sa gitna, tapos katabi niya si Aquil sa upuan.
Agad akong tumayo pero inalalayan ako ni Billy. “Ayos ka lang?” nag aalalang tanong niya pero tumango na lang ako.
“Oooooohhhh!” sigaw ng mga kaklase ko
“Ginaganyan ka na lang president, kung ako yan, sinipa ko na!”
“Hoi wag naman si Aquil!”
“Gwapo ka nga pero wala kang respeto!” rinig kong sigaw ni Jamila.
Masama ang loob ko kay Aquil, bakit ba napakasungit niya? Wala naman siyang dahilan para sungitan ako ah?
“I don't care if you're hurt, next time stay away from my sight.” kalmado niyang sabi.
Napahiya at tahimik akong bumalik sa upuan ko, dinaluhan naman ako nila Hyena at Jamila.
I'm hurt.
To Be Continue...