MCGI Cares Hive Community | "Ang Paggawa na may kasamang Dios" ๐Ÿ˜‡๐Ÿ™Œโ˜๏ธ

in voilk โ€ขย  5 months ago

    Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! ๐Ÿ˜‡

    Maligayang pagbati sa ating lahat dito sa community ng MCGI Cares Hive. Unang una sa lahat nagpapasalamat ako sa Dios dahil sa walang sawa Niyang pagmamahal at pag-aalaga sa akin araw-araw.

    Gayon din sa admin at lahat ng mga sumusuporta sa akin dito sa Community kung kaya masaya akong gumawa ng aking repleksyon unang una dahil sa Dios at sa suporta ninyong lahat.

    Nitong bago nga lang din ay gumawa ako ng aking repleksyon tungkol sa "Bakit nilalang ng Dios ang Tao?" at nagpapasalamat ako sa lahat ng nagbigay oras na basahin ito, at ngayon naman din ay bibigyan ko ng repleksyon ang panibagong featured topic na meron pamagat na, "Ang Paggawa na may kasamang Dios".

    Screenshot_20240209-191641.jpg

    Ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa kung ano ang tama na dapat natin gawin. Alam natin na gusto ng Dios na tayong lahat ay gumawa ng mabuti pero maraming mga pagkakataong gumagawa tayo ng mabuti na pangsarili lamang na humahantong na para tayong mayabang.

    1 Corinto 1:19 โ€œSapagka't nasusulat, Iwawalat ko ang karunungan ng marurunong, At isasawala ko ang kabaitan ng mababait."

    Kung ang ating mga ginagawang mabuti ay hindi ayon sa utos ng Dios at pawang pangsarili lamang ito, itong lahat ay walang kabulohan sa sa tao at lalong lalo na sa mga mata ng Dios.

    Kung ang ating mga ginagawang mabuti ay pang tao lang o pakitang tao, itong lahat ay walang kwinta sa Dios, hinding hindi ito makakapasaya sa mga paningin ng Dios.

    Screenshot_20240209-191724.jpg

    2 Timoteo 3:17 โ€œUpang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti."

    Isang maganda at mahalagang katangin na gumawa tayon ng mabuti lalong lalo na kung ito ay mga gawaing galing sa Dios o ang pag gawa ng kanyang mga utos dahil ito lahat ay itinuro ng Dios sa atin.

    Walang kahit na anomang gusto ang Dios kundi ang gumawa tayo ng mabuti at ito ay ang kanyang mga utos na itinuro sa ating lahat, ang mga gawang mabuti.

    Screenshot_20240209-191800.jpg

    Maraming mga tao na gumagawa ng mabuti ng kanilang mga sariling gawa lang at wala ang Dios kung kaya parang sila ay nagmapuri o nagmamayabang sa kanilang sarili, hindi ito ang gusto ng Dios.

    Subalit kung gumawa tayo ng mabuti kasama ang Dios, ito ang makapagbibigay saya sa Dios. Magagawa lamang natin ang mga mabubuting gawa kung kasama natin ang Dios dahil kung wala ang Dios wala talaga tayong magagawa.

    Screenshot_20240209-191852.jpg

    Efeso 2:10 โ€œSapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran."

    Tayong lahat ay hinding hindi makakagawa ng mabuti kung wala ang Dios kung kaya hinding hindi tayo makakapagmapuri sa ating mga ginagawa dahil nagawa lamang natin ang isang bagay o ang paggawa ng mabuti dahil sa Dios at tanging ang Dios lamang.

    Ang panghuling repleksyon o mga natutunan ko sa topic na ito ay talagang napakarami talaga. Tayong lahat ay ginawa ng Dios para gumawa ng mabuti pero ang lahat ng mabuting gawa ay magagawa lamang natin sa tulong ng Dios dahil kung wala ang Dios sa atin ay wala talaga tayong magagawang kahit na ano.

    Kaya kailangan na habang tayo ay nabubuhay, mamuhay tayo na kasama ang Dios sa bawat araw na dumating sa atin, dahil kung wala ang Dios wala din tayo.

    Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Ang Paggawa na may kasamang Dios", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod at sa aking bagong repleksyon sa bagong topic na naman mga kapatid.

    To God be all the Glory! ๐Ÿ˜‡๐Ÿ™Œโ˜๏ธ

    Your Friend
    @godlovermel25


    image.png

    received_2638631723130236.gif
    Thanks to @kennyroy for
    the animated GIF.

      Authors get paid when people like you upvote their post.
      If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE VOILK!