Mapagpalang araw sa ating lahat. Sasagutin natin ang isa sa pinakamahalagang tanong nating lahat sa buhay natin “sino ang nagbibigay sa atin ng tunay na kaligayahan?”
Maaari marami sa atin ang sagot natin ay pamilya natin. Tama ito, blessing ang pamilya natin. Pero kung sa pamilya nakabase ang Real Joy natin, papaano kung isa isa silang pumanaw na at tayo nalang ang naiwan? Ang resulta ay mawawala na ang kaligayahan natin at maaari pati ang pagasa natin kaya mawawalan tayo ng motivation na mabuhay pa.
Parehas din ang kahit na anong bagay. Kahit goal pa natin ito, kayamanan, pagmamay-ari, etc. kung nawala din ang mga ito mawawala din ang kaligayahan natin kaya madalas madaming nagpapatiwakal dahil nawawalan na ng kahulugan at pagasa ang mga buhay nila.
Kaya napakahalaga na ang source na real joy natin ay hindi nawawala, hindi nagbabago, at hindi natitibag. At nag-iisa lang ang papasok sa ganitong description - Ang Panginoong Hesu Kristo natin. Dahil bilang Diyos, eternal Siya, unchanging Siya at All-Powerful Siya. Kaya kung Siya ang source of joy natin, forever ang magiging joy natin dahil makakasama natin Siya hindi lang sa mundong ito pero pati sa Langit. At mararamdaman natin ang tunay na pagmamahal na galing lang Sakanya. Hindi tayo mawawalan ng pagasa dahil laging bibigyan Niya ng meaning at purpose ang buhay natin kahit ano pa ang sitwasyon natin o kahit ano pa ang nagawa natin sa past natin.
Kaya pinagdarasal ko na ngayong araw lahat tayo ay makilala ang Panginoon para ma-experience natin ang tunay na love and joy. 🙏
Photos are mine and taken by me using my A10s
@ San Fenando City, Philippines
Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)
