PAPAANO KUNG WALA NG BUKAS, HANDA BA TAYO?

in appreciator •  9 days ago

    image.png

    image.png

    Magandang itanong natin sa sarili natin ay “papaano kung wala ng bukas, handa ba tayo?”

    image.png

    Ang reyalidad ay walang kasiguraduhan ang bukas dahil hindi natin alam kung kelan babalik si Hesus at hindi natin alam kung kelan ang huling araw natin sa mundong ito. Kaya napakahalaga na handa tayo.

    image.png

    Madami tayong pinagdaraanan na pagsubok sa mundo natin o madami tayong hinahabol sa mundo natin. Kaya madalas ang focus natin ay nasa mundong ito. Pero nais tayong paalalahanan ng Panginoon ngayong araw na hindi dapat tayo nakafocus sa mundong ito dahil napaka-iksi lang ng oras natin dito at hindi din natin alam kung hanggang kelan lang tayo dito.

    image.png

    Kaya sana matutunan natin lahat na magfocus sa Panginoong Hesu Kristo natin at sa pangako Niya na kaligtasan at buhay na walang hanggan dahil iyon ang pinakamahalaga. Dahil kung wala tayong pananampalataya kay Hesus sa dulo ng buhay natin o kung bumalik na si Hesus, hindi mapapasa-atin ang napakagandang pangako ng Panginoon na buhay na walang hanggan sa perpektong lugar. At masakit man sabihin pero kung wala tayong pananampalataya kay Hesus ay mapupunta tayo sa lugar na wala ang Presensya ng Panginoon kaya panay hirap at sakit lang ang pagdaraanan natin.

    image.png

    Kaya sana ngayong araw na ito ay buksan natin ang puso natin kay Hesus dahil na kay Hesus lang ang pagasa natin na maligtas tayo sa kaparusahan ng mga kasalanan natin.

    image.png

    Photos are mine and taken by me using my A10s
    @ Pugad, Pugo La Union, Philippines

    Thank you for stopping by:-)
    May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
    God bless us all :-)


    image.png

      Authors get paid when people like you upvote their post.
      If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE VOILK!